Labindalawang oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Caloocan at Quezon City mula alas-10 ng gabi ngayong Biyernes (Marso 14) hanggang alas-10 ng umaga ng Sabado Marso 15. Ayon sa pamunuan ng Maynilad Water Services Inc., ang water service in terruption ay dahil sa gagawing interconnection ng dalawang tubo ng tubig sa kahabaan ng Tandang Sora Ext. kanto ng Quirino Highway, Talipapa, QC.
Ang mga lugar na walang tubig sa Caloocan ay bahagi ng Brgy. 160, 162 at 163 sa kahabaan ng Tandang Sora Ext. at Tullahan, mula Quirino Highway hanggang Ugong Bridge at lateral roads, gayundin sa kahabaan ng Reparo Road, mula Tullahan hanggang Alta Vista Road at lateral roads.
Ang mga apektadong lugar naman sa Quezon City ay ang Tandang Sora Ext., mula Quirino Highway hanggang boundary ng Caloocan City.
Bunsod nito, pinapayuhan ng Maynilad Waters ang mga apektadong residente ng pagkawala ng suplay ng tubig sa nasabing araw na ngayon pa lamang ay mag-ipon na ng tubig upang may magamit sa panahon ng water interruption. (Angie dela Cruz)