14-anyos na nene, nag-suicide

Isang 14-anyos na dalagita ang nagpati­wa­kal sa pamamagitan ng pag-inom ng cyanide ma­tapos itong magtampo nang pagalitan  ng kan­yang ina, kamakalawa sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Pagamutang Lungsod ng Malabon (PBM) si Mary Jane Tamparong, 14, estudyante, residente 724 Padas Alley, Kaunla­ran Village ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, na­ga­nap ang insidente da­kong alas-3:30 ng hapon sa loob ng bahay ng pa­milya Tamparong, sa nabanggit na lugar.

Bago naganap ang pagpapatiwakal, napaga­litan umano ito ng kan­yang inang si Ellen nang makipagtalo ito sa naka­ba­batang kapatid dahil sa panghihiram at paggamit ng pantalon nito. Labis namang dinam­dam ng biktima ang pag­kampi ng ina  sa kanyang kapatid kaya’t ilang oras  itong nagkulong sa ku­warto.

Sa salaysay pa ng 8-taong gulang na kapatid ng biktima na si Honey­lyn, nang magtungo siya sa kanilang kuwarto upang tawagin ang kan­yang ate ay nakita niya na bigla na lamang uminom ng cyanide ang kanyang kapatid kaya’t dali-dali nitong sinabi sa kanilang mga kaanak ang ginawa ng dalagita.

Agad namang sumak­lolo ang tiyuhin ni Mary Jane na si Efren at ma­bilis na isinugod sa na­bang­git na pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin ito umabot ng bu­hay dahil sa umano’y pag­kalusaw ng bituka nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments