Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ng kanyang anak ang isang ginang sa loob ng kanilang bahay, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Nakilala ang nasawi na si Bernadette Ramirez-To, 39, nakatira sa #6146 Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod.
Samantala, hanggang sa ngayon ay blangko pa ang Valenzuela City Police sa suspek.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Dakwin To, 12, na nakabulagta at wala ng buhay sa kumedor ng kanilang bahay. Bukod sa mga tinamo nitong saksak sa katawan ay wala rin itong pang-itaas na saplot at tanging panty lamang ang suot.
Nabatid na wawala rin ang tatlong cellphone ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng hindi nakikilalang salarin. (Lordeth Bonilla)