Lola sinunog sa hotel

Isang matandang ba­bae na tinatayang nasa 60-65 taong gulang ang pinatay at saka sinunog mismo sa kama ng isang hotel ng kasama nitong lalaki kahapon ng mada­ling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Tupok na tupok ang buong katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na base sa pagsasala­rawan ng mga personnel sa motel na may taas na 5 hanggang 5’2 talampa­kan. Halos maabo, ma­ging ang hinihigaan nitong kama sa loob lamang ng may 20 mi­nuto matapos na ito’y silaban. Malaki ang pani­wala ng mga awtoridad na gina­mi­tan ito ng ga­solina o gaas.

Agad namang tuma­kas ang kasama nitong lalaki na nag-check-in na inilarawan na nasa gu­lang na 30-35, nakasuot  ng kulay gray na t-shirt, maong pants at may taas na 5’5 hanggang 5’6 ta­lampakan.

Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ang bang­ kay ng biktima sa loob ng Room 320 ng Sweet Hotel sa panulukan  ng Rizal Avenue at C.M.  Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Janelle Bu­raga, cashier ng Sweet Hotel, dakong alas-4 ka­makalawa ng hapon nang nag-check-in ang biktima kasama ang suspek sa room 320.

Dakong alas-8 ng gabi nang lumabas mula sa kanilang kuwarto ang dalawa at nagpaalam kay Buraga na kakain lang ng hapunan sa labas at ma­kalipas ng ilang oras ay muli silang  bumalik sa kanilang kuwarto.

Bandang alas-2 ng madaling-araw nang ma­alarma ang mga ka­wani ng hotel dahil sa reklamo ng katabing kuwarto ng biktima na nakaamoy ng nasu­sunog na bagay at ma­kapal na usok na luma­labas sa silid ng biktima.

Agad namang gina­mi­tan ng fire extinguisher ang kuwarto na napaka­kapal na ng usok at doon nadiskubre na sunog ang bangkay ng biktima at hindi na matagpuan ang kasama nito.

Ayon pa kay Buraga, napansin nila na nagma­madaling lumabas ang suspek sa kanilang ku­war­to ilang minuto bago naganap ang insidente.

Pinag-aaralan din kung napatay muna ng suspek ang biktima kaya naisipan itong sunugin dahil ibinalot pa ito sa kumot bago makitang sunog.

Nakalagak sa Pru­dential Funeral Homes ang bangkay habang patuloy pa ang imbesti­gasyon ng pulisya.

Show comments