Hindi matalo sa suntukan, call agent tinarakan na lang

Matapos talunin  sa sun­tukan, isang call center agent ang sinaksak ng kanyang kapit­bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan  sanhi ng tina­mong saksak sa tiyan ang bik­timang si Juan Carlos de Dios, 25, binata, ng  Narra Avenue, Dela Torre Compound, Panga­rap Village, Brgy. 182 ng na­bang­git na lungsod.

Nakakulong naman sa Ca­loocan City Police ang  sus­pek na si Vicente Eleuterio, 52,  kapit­bahay ng biktima. Sa pagsisiyasat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Narra Avenue, Dela Torre Com­pound, Pangarap Village, Barangay 182, Caloocan City.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang harangin ito ng suspek at komprontohin dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang nagsusun­tukan ang dalawa at nang hindi man lamang maka­tama ang suspek sa biktima ay agad na naglabas ng patalim at mabilis na inundayan ng saksak si De Dios. Matapos nito, ay nag­tangka ang suspek na tumakas subalit agad din itong naaresto ng mga rumespon­deng tanod habang ang biktima ay isinugod naman sa nabang­git na­. (Lordeth Bonilla)

Show comments