Obrero binoga sa motorsiklo, todas

Isang obrero ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hini­hinalang kaaway nito sa Quezon City kahapon. Ang biktimang kinilalang si Vicente Dandan, ng  Brgy. Commonwealth ng lung­sod ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Fairview General Hospital. Base sa  report ng Batasan Police Station 6, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa bisinidad ng Katu­paran St., sa naturang lugar. Kasa­lukuyan umanong naka­ang­­kas ang biktima sa motor­siklo ng kaibigang si Rodel Tecson nang bigla na lamang barilin sa likod ng di pa nakilalang gunman. Mabilis na tumakas ­ma­tapos ang isinagawang pama­maril. Patuloy ang isinasa­ga­wang imbes­tigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen. (Joy Cantos)

Show comments