Trader nangulila sa misis, nagbigti

Dahil  sa labis na pa­ngu­ngulila sa kanyang misis, isang negosyante ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si   Acok Villegas, 25, re­si­­dente ng Blk. 9, Lot 15, Mulawin St., Bo. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod ay patay na nang idating ng kanyang ba­yaw sa San Juan de Dios Hospital, matapos itong magbiti pasado alas-9 ng gabi.

Batay sa imbestigas­yon, ang biktima ay na­tagpuan ng kanyang bayaw na si Salvador Tabilog, Jr., 29, residente ng Blk. 17, Lot 5, Lawaan St., Bo. Sto. Niño.

Bago ang pagpapaka­matay , ilang araw nang na­pu­puna ng mga ka­anak na naging malu­lung­­kutin ang biktima dahil laging iniisip nito ang kalagayan ng kanyang anak at misis na umuwi sa Baguio  City.

Nang puntahan uma­no ang biktima ng kan­yang bayaw para alamin sana kung ito ay magbu­bukas ng kanyang pwes­to sa palengke ay laking-gulat na lamang umano ng huli nang makita ang una na nakabitin sa roof top ng kanilang bahay at nakapulupot sa leeg nito ang isang nylon cord, habang ang dulo nito ay nakatali naman sa biga ng kisame.

Tinangka pa umano ng bayaw na sagipin ang buhay ng biktima kung saan ay agad nitong pi­nutol ang nylon cord na nakapalupot sa leeg nito at agad niya itong dinala sa naturang pagamutan, subalit binawian  din ito ng buhay.

Maliban sa sugat sa leeg, walang nakitang anumang suicide note at ibang sugat sa katawan ng biktima, habang ini­imbestigahan  pa  ng  mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naturang in­sidente kung nagkaroon ng foul play  sa pagka­matay ng una. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments