770,000 kabataan adik

May kabuuang 770,000 kabataang mag-aaral sa pri­bado at pampublikong paara­lan sa bansa ay mga adik.

Ito ay batay sa survey ng Department of Health (DOH) at Dangerous Drugs Board (DDB) mula pa noong 2005 hanggang kasalukuyan.

Bunga nito, nagpahayag ng pagkabahala si Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman  Sec. Anselmo S. Avenido Jr. sa naturang survey  kaya’t taha­sang  hiniling nito sa  board  ang pagrerepaso sa mga batas sa ilalim ng RA 9165  at pagpapalabas ng mga bagong regulasyon na may kinalaman sa iligal na droga.

Sa  isinagawang pagpu­pu­long sa pagitan ng mga hukom, mga piskal at law enforcers, dito ay nagkasundo ang magka­bilang panig na magrepaso ng mga polisiya na maipapatupad batay sa mga magiging reko­men­­dasyon ng bawat panig tungkol sa Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng RA 9165.

Napag-alaman na lantarang ginagamit  ng sindikato ang mga kabataan na maliban sa pag­gamit ng droga ay gina­ gamit pa ang mga ‘tulak’  na  dahil sa  mga  menor de edad ang mga ito ay hindi naman basta-basta  ina­aresto.

 Ang mga kabataan na may edad 15 pababa na nahuhuling sangkot sa mga kaso sa ilegal na droga ay agad nailalabas ng kulungan dahil sila ay menor-de-edad. Ang mga ito ay ligtas sa criminal liability alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 or RA 9344.

Inirekomenda din ng   DDB, sa mataas na hukuman  na mag-isyu ng mga karag­da­gang batas na maidaragdag sa ibang mga probisyon naka­paloob sa  RA 9165 na may ka­­­ugnayan sa mga menor de edad.

Tinalakay din sa na­sabing pagpupulong ang ilang mga kaso na kinasasangkutan ng mga big time drug lords at operators na napapawalang sala dahil sa teknikalidad  sa pag-aresto pati na ang  mga nakumpiskang ebidensiya. (Angie dela Cruz)

Show comments