Fetus nginatngat ng pusa

Isang lalaking fetus na umanoy nginatngat na  ng pusa ang natagpuan sa tumpok ng basura ng mga bata habang namumulot  ng basura kahapon ng umaga sa Tondo,  Maynila.  Tinatayang nasa pagitan ng pito hanggang walong buwang gulang ang edad ng fetus na nakasilid sa isang kahon ng sapatos na nakalagay sa plastic.

Ayon kay Det. Dennis Paul Javier, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 9:30 ng umaga  nang  makita ng mga batang nangongolekta ng basura ang fetus sa panulukan ng  Claro M. Recto Avenue at Asuncion St., sa Tondo. Halata umanong nginatngat na ng pusa o ng daga ang fetus dahil sa  itsura nito nang matagpuan ng mga bata na siyang nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa natagpuan. (Gemma Garcia)

Show comments