Pulis-SPD binoga ng ex-Army

Sugatan ang isang pulis-SPD makaraang pagba­barilin ito ng isang ex-Army makaraang bastusin uma­no ng una ang dalawang dalagang boarder ng huli, kamakalawa ng gabi sa Taguig City

Tinamaan ng bala sa kaliwang hita si PO1 Michael Alvarez, 27, binata, nakatalaga sa District Mobile Force ng Southern Police District (SPD) at residente ng Blk 33 Lot 9 Phase 2 Pinagsama Village, Western Bicutan. Nadakip naman ang suspect na si dating Army T/Sgt. Edmund Perillo, 48, ng Blk 23 Lot 23 Phase 2 sa naturang village.

Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig City Police, na­bastos umano ni Alvarez at isa pa niyang kasama ang dala­wang dalagang boa­rder ng dating sundalo.

Naglalakad umano si Laila Abaya, 21, kasama ang isa pang dalagang hindi nabanggit ang pa­ngalan nang mapadaan sila sa grupo ni Alvarez na noon ay nag-iinuman.

Sinundan umano ng pulis at isa pang kasama sina Abaya at pilit na hini­hingi ang numero ng kani­lang cellphone subalit hindi ibinigay ng dalawa.

Nakita umano ni Perillo ang pangyayari kaya’t lumabas ito ng bahay at inusisa kung bakit hinaha­rang ang dalawa niyang boarder hanggang magtalo.

Pumasok umano ng bahay ang pulis at kinuha ang kanyang service firearm at pinaputukan ang sundalo at dalawang da­laga na mabilis na nag­tatakbo pa­pasok sa bahay ni Perillo. Tumama ang mga bala sa gate ng bahay hang­gang sa makita na lamang na du­ guan at may tama ng bala sa kaliwang hita ang pulis.

Nagsampa rin ng ka­song malicious mischief at grave threat ang dala­wang da­laga na nakaranas ng pam­babastos at pagba­banta laban kay Alvarez, habang si Perillo ay sinam­pahan ng kasong frustrated homicide. (Rose Tesoro)

Show comments