Binatilyo pisak sa trak

Agad na nasawi ang isang 14-anyos na lalaki makaraan na masagasaan ng isang dump truck nang malaglag siya sa pagta­tangkang magnakaw umano ng kargamento nito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi si John Ronnie Belen, ng Litex Road, Brgy. Commonwealth, ng na­turang lungsod. Sumuko naman sa Quezon City Traffic Enforcement Unit ang driver ng dump truck na si Fernando Amoroto, 32,  resi­dente ng Brgy. Payatas.

Naganap ang  insidente dakong alas-8 ng umaga sa Litex Road, Group 5, Brgy. Common­wealth.  Nabatid na minamaneho ni Belen ang Isuzu dump truck (IEZ-315) nang sumampa umano ang isang grupo ng mga kabataan sa sasakyan. Ayon pa sa report,  miyembro umano ng mga kabataan na tinatawag na “jump boys”  ang biktima na sumasampa sa mga trak at nagnanakaw ng bakal o iba pang kargamento saka tumatalon.

Ibinibenta ng mga ito ang nananakaw sa mga junk shop. Bigla umanong nalubak ang trak nang hindi niya mapansin ang malalim na hukay sa kalsada at narinig na may nagsisigaw. 

Nang kanyang tingnan ay saka niya nakita na naipit ng gulong ang biktima na maaaring nakabitaw sa likod. (Danilo Garcia)

Show comments