78 huli sa liquor ban

Umabot na sa 78 katao ang naaresto sa unang bugso ng pagpapatupad ng liquor ban sa Metro Manila.  Nagsimula ang pagbabawal sa pag-inom ng alak eksakto alas-12 ng hatinggabi noong Sabado kasabay ng pagta­tapos ng campaign period. Magwawakas ang liquor ban alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.

Nakasaad sa ban ang pagbabawal uminom, mag­benta, bumili at mag-alok man lamang ng alak sa sinu­mang kandidato o ordinar­yong botante.

Mahaharap ang sinu­mang mapapatunayang luma­bag dito ng parusang pagkakulong ng hanggang anim na taon, multa at ta­tanggalan ng karapatan na ma­katakbo o bumoto sa anumang uri ng posisyon sa pamahalaan.

“Exempted” naman sa ban ang mga hotel at iba pang establisimyento na sertipikado ng Department of Tourism bilang “tourist-oriented” at ang mga “cate­ring service” na nagseser­bisyo sa mga dayuhan. (Danilo Garcia)

Show comments