30 sasakyan kinumpiska  sa drag racing

Umaabot sa 21 mo­torsiklo at 9 pang kotse ang nahuli ng mga operatiba ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) sa isina­gawang serye ng magka­kahiwalay na anti-drag racing at anti-carnapping operations sa Quezon City at Parañaque City, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay NCR-TMO chief P/Sr. Supt Arnol Gunna­cao, ang mga na­kum­piskang mga behikulo at motorsiklo ay kanilang inimpound  sa Camp Crame para sa masusing imbestigasyon at beripi­kasyon.

Nasabat ang mga sa­sakyan sa isinagawang operasyon  sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Ave­nue sa Parañaque City at Mindanao Avenue sa Que­zon City simula noong hatinggabi ng linggo hang­gang kahapon dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Ayon pa sa ulat, ang na­banggit na mga lugar ay  paborito ng mga driver sa illegal na aktibidades ng drag-racing.  (Joy Cantos)

Show comments