Magpinsan todas sa mag-utol

Kapwa  nasawi ang mag­pin­san na dumalaw lamang sa kanilang lola nang pagtulu­ngang pagbabarilin ang mga ito ng magkapatid ka­hapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.  

Namatay noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente bunga ng mga tama ng mga bala sa kaliwang pisngi, ulo, dibdib at tiyan ang mga bik­ti­mang sina Rizalito de Guz­man, 35;  at ang pinsan nitong si Raymond Men­diola, 20, na  namatay bunga ng isang tama ng bala sa batok.

Batay sa isinagawang im­bestigasyon ng pulisya naga­nap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa F. Victor St., Pasay City.

Samantala, ang mga mag­kapatid na suspect na kinila­lang sina Ramilo,alyas “Jun-jun” at Ramiro Gaa, alyas “Ron-ron” kapwa residente ng 2290 F. Victor St., ay kapwa ma­­bilis na  tumakas dala ang baril na 9mm pistol, .38 kalibre ng baril ma­tapos ang gina­wang pama­maslang sa mga biktima.

Nabatid na dumalaw la­mang sa bahay ng kanilang lola  sa F. Victor St. ang mag­pinsan at pauwi na sana ang mga ito nang  masaksihan ang ginawang pamamaril ng sus­pect na si Ra­milo sa  dala­wang residente na sina Manuel Ilagan, 20; at Her­minia Sylva, 50.   

Tinangkang awatin ni De Guz­­man ang suspect at naki­pag­ buno ito upang agawin kay Ra­milo ang baril. Habang nag-aaga­wan ng baril, dumating naman ang kapatid ng suspect na si Ramiro at pinagbabaril si De Guz­man, kasunod nito, pi­nag­bali­ngan naman ang pinsan nitong si Mendiola na  pinagba­baril din hang­gang sa tamaan sa batok.   

Nang makitang nakahan­dusay ang dugu­ang mag-pin­san ay agad namang tumakas ang magkapatid na suspect dala ang ginamit na mga baril sa pama­mas­lang sa mga biktima. Na­rekober naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa scene of the crime ang mga bas­yo ng bala ng mga baril na gina­mit ng mga suspect sa nasabing krimen. Isang manhunt opera­tion naman ang inilunsad ng pu­lis­ya laban sa tumakas na mag-utol. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments