2 paslit patay sa sunog

Dalawang paslit ang iniulat na nasawi sa naganap na sunog sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ronalyn Duban, 4 at ang kanyang kapatid na si Cedrick, 2, ng Navotas Fish Port Compound sa Brgy. North Bay Boulevard South.

Ayon kay Inspector Melchor Isidro, ng Navotas Bureau of Fire Protection, officer-in-charge, na bukod dito, tinatayang aabot sa 400 shanties ang natupok din sa naganap na sunog.

Napag-alaman na wala sa bahay ang mga magulang ng mga bata ng maganap ang sunog.

Tumagal ang sunog sa loob ng may limang oras na sinasabing nagmula sa natumbang kerosene lamp. (Pete Laude)

Show comments