Fred Lim inindorso ni Erap

Kinumpirma kahapon ni dating Senador Ernesto Maceda na personal na hinirang ni dating Pangulong Joseph Estrada si Senador Alfredo Lim bilang kandidatong mayor ng oposisyon sa Maynila.

Ayon kay Maceda, napisil ni Estrada si Lim dahil pabor kay Lim ang isang survey na isinagawa ng pamangkin ng dating presidente na si Ricky de Guzman ng Pulse Asia.

Sa naturang survey, malaki ang lamang ni Lim laban sa ibang mga kandidato sa lunsod lalo na sa una, ikalawa at ikatlong distrito. (Joy Cantos)

Show comments