Karamihan sa mga kabataang ito na nagmula sa maralitang taga-lungsod ng Parola at Isla Puting Bato ay naghayag ng iisang pagtingin na ang dapat maging susunod na bise-alkalde naman ay makakaintindi sa kanilang saloobin at hangarin.
Mula sa iba’t ibang organisasyon, nagpahiwatig ang bawat isa na si Bagatsing, pinakabatang naging konsehal ng lungsod, ang maging kinatawan nila kasama pa ang ibang batang kandidato sa darating na eleksyon.
Kabilang rito ang Kabataang Gabay ng Bayan, Parola Youth Development Council, Parola Youth Council, Pinagkaisang Kabataan ng Area F. Parola at Samahangang Kabataang Ma sang Pilipino. (Gemma Amargo-Garcia)