Hanggang sa kasalukuyan ay hindi na nakauwi pa sa kanilang mga bahay ang mga paslit na sina Rodel Fojas, 10; Nico Fojas, 6; at Mark Anthony Galono, 7, pawang residente ng 71 Panganiban St., Biglang Awa ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman sa mga magulang ng mga bata na sina Leysa Fojas at Lorna Galono, na noong Disyembre 24 pa nawala ang mga bata makaraang magpaalam na mangangaroling lamang.
Duda ang mga magulang ng paslit na baka kinuha ang mga bata ng sindikatong gumagamit ng mga paslit sa mga panlilimos sa lansangan. (Ricky Tulipat)