Dalaga kinatay ng bading

Sinaksak at napatay ang isang 27-anyos na dalaga ng kanyang kaibigang bading sa Las Piñas City.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya nakilala ang nasawi na si Maureen Pineda, ng Blk 9 Lot 20, Copper St., Pulang-lupa Dos, Las Piñas.

Naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi noong nakalipas na Martes.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima nakarinig sila ng komosyon sa loob ng bahay ng nasawi nang pumasok doon ang suspect.

Posible umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sinaksak ng suspect ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon at ang pagtugis sa suspect. (Rhodina Villanueva)

Show comments