Hapones magpupuslit ng armas sa NAIA, arestado

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Hapon nang tangkain nitong ipuslit sa bansa ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas sa Ninoy International Airport, Terminal 2 sa Pasay City.

Sa report na ipinadala sa tanggapan ni PNP Chief Oscar Calderon,  ang suspect ay nakilalang si Hirofumi Ando, 52, na may  business address sa Mie Pres. Inabe, Gun Touincyo Shiroyama, 1-37-1 Japan. Ayon sa PNP-Aviation Support Group, ang suspect ay paalis na sana ng bansa at pasakay sa  Philippine Airlines Flight PR-438 papuntang Nagoya, Japan nang masabat ng mga awtoridad ganap na alas-12:31 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay PNP-Spokesman Senior Supt. Samuel Pagdilao Jr., agad nadiskubre ng mga elemento ng  Police Center Aviation for Security-Aviation Security Group (PCAS-ASG)  sa screening checkpoint North Wing NAIA-CT2 ang matataas na kalibre ng armas ng suspect na nakasilid sa itim na  trolley bag kaya’t nang isagawa ang manual check dito, ang mga kabilang sa nasabat ay ang 1-revolving cylinder, 1-hard gun slide plate, 1-cylinder rod long, 1-extractor rod na may  ejector star, 1- wooden hand-gun grip, isang  38 cal. revolver gun replica, 1-hand plastic knife, 1-cylinder rod short, 1-revolver gun type, 1-metal coil spring, 1-metal spring, 7 piraso ng  hand-gun crews at 8 piraso ng iba’t ibang klase ng  metal gun parts.

Agad itong sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1866 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions sa Pasay Prosecutor’s office at P60,000 ang piyansang inirekomenda dito. (Angie dela Cruz)

Show comments