Nabatid na ang panawagan ni BF ay bunsod ng mga disgrasya at perwisyo ng mga naglalakihang billboards na kumitil din ng buhay at nag-iwan pa ng milyong halaga ng damage to property matapos na manalasa ang bagyong si Milenyo.
Kasama ni Fernando si Senator Ramon "Bong" Revilla kahapon na nag-monitor sa Metro Manila roads at tumambad sa kanila ang obstructions na nilikha ng mga nagbagsakang billboards na masasabing mahihina ang naging pundasyon.
Sa naturang inspeksyon hiniling ng MMDA chief kay Revilla na bigyan ang ahensiya ng kopya ng income o kinikita ng bawat lokal na pamahalaan sa billboards sa nakalipas na limang taon.
Samantala, sususpendihin na ngayong araw na ito ng Manila City Council ang pagbibigay ng permit sa mga advertising agency para sa mga billboards.
Ayon kay Konsehal Bojay Isip-Garcia na inaasahang ipapasa ngayong araw sa kanilang sesyon ang suspensyon para sa permits.
Ang Makati City ay nag-impose na rin ng moratorium sa pagkakabit ng mga bagong billboards at commercial displays. (Lordeth Bonilla At Danilo Garcia)