^

Metro

Mag-lola natagpuang patay

Pilipino Star Ngayon

Kapwa naaagnas na nang matagpuan ang mag-lola sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, tinatayang tatlong araw nang patay ang mga biktima na kapwa nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo, palatandaan na hinataw ang mga ito ng matigas na bagay.

Nakilala ang mga biktima na sina Zenaida Banzuela, 54, biyuda at ang apo na si Geleen Banzuela, 9, ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilalang si Gilbert Banzuela, 33, anak ni Zenaida at tiyo ni Geleen. Sinasabing may sakit sa pag-iisip ang suspect sanhi na rin ng pagkalulong nito sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang matagpuan ang mabaho nang bangkay ng mag-lola.

Natuklasan lamang ang krimen nang magreklamo ang mga kapitbahay ng mga ito dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa bahay ng mga biktima.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga residente sa barangay at pulis ang reklamo kung saan sapilitang binuksan ang bahay ng mag-lola at dito nga tumambad ang bangkay ng mga biktima.

Ayon pa sa nakalap na ulat, posibleng nakatakas sa pagkakulong sa bahay si Gilbert at saka pinatay ang ina at pamangkin.

Sinasabing kinukulong ang suspect ng inang si Zenaida upang hindi ito makapinsala.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

GELEEN BANZUELA

GILBERT BANZUELA

LORDETH BONILLA

MONTE VILLA

PRESIDENT QUEZON ST.

SINASABING

SUN VALLEY

ZENAIDA BANZUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with