Fil-Chinese trader patay sa holdap

Namatay noon din ang isang Fil-Chinese trader makaraang barilin ito ng dalawang holdaper, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.

Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng bala sa dakong likuran ng kanyang katawan ang biktimang si Alberto Uy, 43-anyos, may ari-ng isang junk shop sa 31758 Dimasalang St., Sta. Cruz, nabanggit na lungsod.

Agad namang tumakas ang dalawang armadong suspect makarang barilin ng mga ito ang biktima at agawain ang dalang plastic bag ng huli na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera at mahahalagang gamit nito.

Sa ulat, alas-7:55 ng umaga nang mangyari ang insidente hindi kalayuan sa junk shop ng biktima. (Danilo Garcia)

Show comments