Hindi na umabot pa ng buhay sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Hospital ang biktimang si Samuel Caseres, vendor at residente ng #172 Libis-Talisay, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ni PO1 Alberto Eustaquio, may hawak ng kaso, dakong alas-4 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang tiyuhin na si Roberto Pagsinuan sa loob ng banyo ng bahay nito na nakahandusay at bumubula ang bibig.
Agad na isinugod ni Pagsinuan sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng SOCO, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bote ng hydrochloric acid o mas kilala sa tawag na muriatic acid na pinaniniwalaang tinungga ng biktima sanhi upang masawi ito.
Sa pahayag naman ni Pagsinuan sa pulisya, bago ang insidente ay napansin nitong naging malungkutin ang biktima makaraang hiwalayan ito ng kanyang misis.
May teorya naman ang pulisya na posibleng ginupo ng labis na kalungkutan at pagdaramdam ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)