Ito ay matapos na aprubahan ng 14 na alkalde ng Metro Manila ang nasabing resolution bilang pagpayag para sa pagpapatupad ng suspension ng number coding.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando, majority sa mga Metro Mayors ay hindi tumututol sa nasabing hakbangin. Nabatid na tanging sina Makati City Mayor Jejomar Binay, Manila Mayor Lito Atienza at Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang hindi lumagda sa naturang resolution.
Ang naturang hakbangin ay naging panukala ni Chairman Fernando matapos ang ginawang pag-aaral na sa tuwing magsasara ang klase, 30 porsiyentong nagkakaroon ng kabawasan sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Ang suspension sa number coding ay tatagal hanggang Hunyo 2.
Pinanindigan naman ng pamahalaang lungsod ng Makati na hindi suspendido sa kanila ang number coding at tuloy ang panghuhuli dito sa mga lalabag. (Lordeth Bonilla)