Ayon kay Shell Spokesman Bobby Kanapi dakong alas-6 kahapon ng umaga ng ipatupad nila ang rollback at pagtaas sa kanilang produktong petrolyo.
Paliwanag ni Kanapi na kaya hindi nila nai-rollback lahat ng kanilang produktong petrolyo ay dahil sa taas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan lalo na sa Dubai Crude kung saan tayo kumukuha ng produktong petrolyo at ginagawang basehan kung magtataas o baba ang presyo nito sa lokal na pamilihan.
Samantala, tinuligsa naman ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang laban at bawi sa presyo ng petrolyo.
Sinabi ni PISTON Spokesman George San Mateo na bagamat nag-rollback sila ng presyo ng gasoline ay itinaas naman nila ang presyo ng kerosene at diesel na karamihang ginagamit ng mga tsuper.
Sa ngayon, ayon kay San Mateo ay umaabot na sa halagang P31.70 kada litro ang presyo ng diesel at sigurado umanong makakabawas na naman ito ng malaki sa kita ng mga tsuper lalo na ngayong bakasyon ang mga estudyante.
Nakatakda ring magsagawa ng malaking kilos protesta bukas ng umaga ang PISTON kasama ang iba pang militanteng grupo sa Plaza Miranda upang kalampagin ang pamahalaang Arroyo dahil sa walang habas na paglobo ng presyo ng petrolyo. (Edwin Balasa)