Sa 28 katao, tatlo sa mga ito ang napatunayang nahaharap sa standing warrant of arrest dahil sa kasong panghoholdap. Nakilala ang mga ito na sina Marvin Padilla, 18; Michael Ronquillo, 20; at Lemark del Carmen, 21, pawang residente ng Estero sa may Lope de Vega at Fugoso St. Sta. Cruz.
Sinabi ni Chief Inspector Alex Yanquiling, hepe ng TF Galugad na lumapit sa kanilang tanggapan si Chairman Angel Rivero ng Brgy. 330 Zone 33, Sta. Cruz upang linisin ang naturang lugar dahil sa ginagawang kuta ng mga holdaper.
Dakong alas-10:30 ng gabi, armado ng search warrant sinalakay ng mga awtoridad ang naturang estero.
Nabatid na marami pa sanang madadakip ang mga operatiba ngunit nagsitakas ang maraming kalalakihan sa bubungan ng estero at mga sikretong lungga.
Matapos sumailalim sa beripikasyon, tatlo sa mga inarestro ang napatunayang may mga kaso ng panghoholdap habang pinalaya na ang iba pa. (Danilo Garcia)