Anak, huli sa pagbigti sa ina

Kalaboso ang isang 28-anyos na lalaki makaraang bigtihin at mapatay nito ng kable ng VCD ang kanyang ina na hindi nagpautang sa Mandaluyong City.

Kasong parricide ang kinakaharap ni Anthony Domingo nang aminin nito ang pamamaslang sa inang si Dolores, 56.

Ayon kay PO3 Robert Eugenio, dakong alas 11 ng umaga nang matagpuan ng isang Nicanor Solomon ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa 303 De Leon St. Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City. Nakabigti ang leeg nito at nakatali naman ang mga paa.

Nakita naman sa isang sulok ang suspect na umaming siya ang pumatay sa biktima.

Sinabi ng suspect na nagawa niya ang krimen dahil ayaw siyang pautangin ng puhunan ng biktima para sa kanyang negosyo. (Edwin Balasa)

Show comments