Isinasailalim sa operasyon sa loob ng Ospital ng Sampaloc dahil sa tinamong limang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Oliver Necesito.
Bigo naman ang pulisya na maaresto ang limang suspect sa krimen na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Nabatid na dakong alas-11 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa panulukan ng Matimyas at Maceda St. pauwi sa kanilang bahay nang biglang harangin ng mga suspect at pilit na hinihingi ang cellphone nito.
Posible umanong tumanggi ang biktima at nanlaban kaya pinagsasaksak ito ng mga suspect.
Bukod sa cellphone matagumpay ding nakuha ng mga suspect ang pitaka ng guro na naglalaman ng hindi pa batid na halaga. (Danilo Garcia)