Vendor dedo sa kapwa vendor

Patay ang isang taho vendor sa kapwa nito taho vendor makaraang mag-agawan sa puwesto kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Alabang Medical Center si Rudy Murcia, 49 ng no. 1340 Lorenzana Compound, Quirino Ave. Parañaque City na nagtamo ng saksak sa dibdib mula sa kamay ng tumakas na suspect na nakilala lamang sa alyas Dako.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:15 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Palayo Village, Brgy. Talon 3.

Inagawan umano ng puwesto ng biktima ang suspect hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at mauwi sa pananaksak ng huli sa una. (Lordeth Bonilla)

Show comments