Trader, bugbog-sarado sa bodyguard ni Aiko

Pasa at dugo sa katawan at bali ang ilong ng isang negosyante ng gulpihin ng isang pulis na bodyguard ng aktres at QC 3rd District Councilor na si Aiko Melendez sa loob ng isang bar sa Makati kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nasa custody ng Makati City Police ang suspect na si PO3 Jun Rivera, nakatalaga sa QCPD at residente ng Blk. 13, Lot 42, Mayon St. Deparo, Dolmar Subdivision, Caloocan City matapos na ireklamo ni Ronald Serrano, 33, ng BLS Shell Station, Orani Bataan.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng Nuvo Bar and Restaurant sa Greenbelt 2, Ayala Center, Makati kung saan parehong naggu-goodtime si Melendez kasama ang kanyang grupo at si Serrano kasama ni Happy Ongpauco Rivera na may-ari ng Triple V Restaurant.

Bigla umanong lumapit si Serrano sa grupo ni Melendez at hinipuan ang aktres sa suso na nakita ng bodyguard nito na si Rivera.

Agad nitong pinagsusuntok si Serrano hanggang sa awatin ng kani-kanilang kasamahan.

Inihahanda pa ng pulisya ang isasampang kaso kina Rivera at Serrano.

Show comments