^

Metro

Fixers laganap sa LTO Parañaque

-
Sa kabila nang pagsisikap ng pamahalaan na mapatino ang pamamalakad sa mga kagawaran nito, taliwas naman ito sa nagaganap na umano’y katiwalian sa Land Transportation Office (LTO) na nakabase sa Parañaque City makaraang ang sindikato ng mga fixer dito ay pinaprotektahan ng ilang opisyal sa naturang ahensiya.

Ayon sa reklamo ng maraming nagpaparehistro rito, nabatid na labas-pasok umano ang grupo ng mga fixer sa loob ng Parañaque City LTO sa may Roligon Compound.

Napag-alaman sa ilang mga nabiktima, na kailangan pa umanong magbayad ng malaking halaga upang maunang maasikaso sa pagkuha ng rehistro ng sasakyan.

Kung hindi naman lalapit o hihingi ng tulong sa mga fixer ang mga driver hindi sila aasikasuhin sa kanilang transaksyon.

Pwede rin dito na hindi na sumailalim sa eksaminasyon, pero kailangang magbayad ng separate fee at agad-agad na lalabas ang rehistro.

Pwede ring non-apperance o hindi dalhin ang mga sasakyang irerehistro, pero ang bayad ay aabot sa P11,000.

Malalakas umano ang loob ng mga fixer dahil sa may basbas sa ilang opisyal ng tanggapan. (Lordeth Bonilla)

AYON

FIXER

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

MALALAKAS

NAPAG

PWEDE

ROLIGON COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with