Bukod sa pagkakakulong ay inatasan din ni Judge Pablito Rojas ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 70 na magbayad ng halagang P300,000 ang akusadong si Rolando Cruz matapos na makuhanan ito ng 0.88 gramo ng shabu.
Sa limang pahinang desisyon ni Rojas, naaresto si Cruz noong katanghaliang tapat ng Pebrero 10, 2004 sa kahabaan ng N. Domingo St., Brgy. Progreso ng bayang ito.
Ibinasura ng korte ang alibi ng akusado na kasama niya ang kanyang anak na babae galing sa kaklase nito nang maganap ang pag-aresto sa kanya. Dinala din nito sa korte ang anak sa kalagitnaan ng paglilitis upang tumestigo na talagang galing sila sa bahay ng kaklase nito.
Itinanggi rin ng akusado na sa kanya ang shabu na nakuha ng mga pulis.
Wala namang nakita na anumang masamang motibo ang korte sa parte ng mga umarestong pulis para gawan lang ng kuwento ang akusado kung kaya ang pagtestigo ng mga awtoridad ang kinatigan ng korte. (Edwin Balasa)