Ang dalawa ay kapwa trabahador sa heavy equipment and spare parts business ng biktimang si Andrew Luis Villa, 42.
Si Tyson ay magugunitang unang natunton ng mga operatiba sa Brgy. Mabuhay, Angandanan, Isabela noong Sabado ng madaling- araw.
Ikinanta nito ang kasamahang si Charlie na nadakip naman sa bahay nito sa Caloocan City, habang dalawa pang kasamahan na nakilalang sina alyas Edel at Dante ang kasalukuyan pa ring tinutugis ng pulisya.
Nagkaroon ng linaw ang kaso makaraang isang hindi pinangalanang kamag-anak ni Espinosa ang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ituro kung saan ito nagtatago kapalit ng P50,000 reward na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod ng Caloocan.
Matapos madakip si Tyson, ikinanta naman nito ang iba pa niyang kasamahan na naging daan sa pagkakadakip kay Charlie.
Kasalukuyan ding pinaghahanap ng pulisya ang isang Marivic Destosa, katiwala sa negosyo ni Villa na itinuturing na umanoy utak at nag-utos sa mga suspect sa madugong masaker.
Ayon pa sa mga awtoridad, lumalabas na tungkol sa pera ni Villa at sa mga maiiwan nitong ari-arian ang motibo sa naganap na krimen base na rin sa salaysay ng mga nadakip na suspect na umanoy binayaran lamang upang isagawa ang pagpatay bukod pa sa personal na galit ni Tyson sa among si Villa nang hindi ito pautangin noong Hulyo 14.
Bukod kay Villa, nasawi rin sa naturang masaker ang ka-live in nitong si Joy Cam, 19; ang anak na si Lang-Lang, 12 at katulong na si Manang, 60.
Magugunitang natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang bahay dakong alas-12:05 ng tanghali na tadtad ng mga saksak sa katawan at laslas ang leeg. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)