Driver todas sa carnapper
July 17, 2005 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang driver makaraang manlaban ito sa mga hindi pa nakikilalang carnappers, kahapon ng hapon sa Quezon City.
Nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktima na nakilalang si Cesar Soria, habang agad namang nakatakas ang mga suspect na tumangay sa minamanehong Nissan Patrol ng una na kulay puti at may plakang XKN-600.
Sa inisyal na report ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng QCPD-Baler Police Station, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa harap ng Heartbeat Mega KTV sa Quezon Avenue ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakaparada umano ang biktima sa harap ng nasabing night club nang biglang tutukan ng baril ng mga suspect at posible umanong nanlaban ang una kung kayat tuluyan na itong binaril ng mga huli.
Agad namang inilagay sa alarma ang sasakyang tinangay ng mga suspect habang nagsasagawa na ng manhunt operation para sa ikadarakip ng mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended