lllegal recruiter timbog sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Central Police District-District Intelligence and Investigation Division (CPD-DIID) ang isang illegal recruiter sa loob mismo ng opisina nito kamakalawa sa Quezon City.

Batay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malolos Bulacan RTC Judge Roy Masadao, Jr. naaresto si Gregorio Yu, 79, ng #73 E. Rodriguez Ave., Quezon City at may-ari ng Masters International Placement and Management Services Incorporated.

Ayon kay CPD-DIID chief, Supt. James Brillantes, marami na silang natanggap na reklamo laban sa umano’y ginagawang illegal recruitment ng suspect na si Yu na may mga alyas na "Gorio", "Gregorio Dy" at "Gregorio Lee".

Nadakip si Yu sa kanyang opisina sa E. Rodriguez Ave. at kakasuhan ng Estafa habang nakapiit sa CPD-DIID. (Doris Franche)

Show comments