Ayon kay Alex Lagunsad ng KARAPATAN, ang panukala ng MTRCB ay isang uri ng censorship na itinaon pa kung kailan inaatake ang mga taga media ng paraan ng pagsasampa ng kasong libelo.
Aniya, mistula umanong martial law ang sitwasyon dahil paninikil umano ito sa karapatan ng publiko na makapanood ng kanilang nais na palabas.
Sinabi ni Lagunsad na garantisado ng Konstitusyon ang karapatan ng publiko hinggil sa usapin ng malayang pamamahayag ng saloobin, impormasyon maging ang pagpili ng mga ito ng relihiyon.
Kinuwestiyon din ng KARAPATAN ang pagpapalabas ng "indefinite suspension" ng MTRCB sa programang "Ang Dating Daan at iba pang programa ni Bro. Eli Soriano. (Ulat ni Doris Franche)