Negosyanteng Taiwanese, patay sa sunog

Isang Taiwanese businessman ang namatay matapos na ma-suffocate nang masunog ang kanyang furniture store, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni QC Fire Department First Ground Commander Inspector Reynaldo Quirante, ang biktima na si Shen Wen Shu, 50, may-ari ng Milano Furniture na matatagpuan sa #1042 Del Monte Avenue, Brgy. Paltok, ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog dakong alas-4:05 ng madaling-araw sa opisina ng biktima. Nakulong ito hanggang sa ma-suffocate.

Bagama’t nailigtas ng mga bumbero, namatay din ito matapos na dalhin sa Capitol Medical Center.

Nadamay din sa sunog ang katabing two-storey commercial at residential building. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments