Kinilala ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido, Jr. ang nakatakas na si Li Zhong Hung.
Ayon kay Avenido, si Hung ay nadiskubreng nakatakas dakong alas-5:30 ng umaga noong Sabado.
Nabatid na si Hung ay nasa watchlist ng PDEA noong nakaraang buwan sa Multinational Village sa Parañaque City matapos na salakayin ang isang shabu laboratory na nakuhanan ng bultu-bultong mga kemikal.
Sinabi ni Avenido na nakakapangduda naman na sa lalagyan ng exhaust fan dumaan si Hung dahil sa sobrang liit ng butas nito. Aniya, posibleng mamatay si Hung kung sa nasabing butas siya dadaan dahil may taas itong tatlong palapag.
Dahil dito, malaki ang paniniwala ni Avenido na pinatakas at sa main gate dumaan si Hung habang nag-iisa ang bantay na si PO1 Frederick Plasido samantalang wala naman ang duty officer na si Major Dante Dacagan.
Posible umanong planado ang pagpapatakas kay Hung.
Bunga nito, pinaiimbestigahan ni Avenido si Sr. Supt. Orlando Mabutas, director ng PDEA-Metro Manila Detention Center.