Sinabi ni Fernando na kailangan ang pamilyarisasyon sa bagong labas na ticket na gagamitin dahil kumplikado at machine operated ito.
Ayon pa sa nasabing opisyal, hindi dapat magkamali ang enforcer sa paglalagay ng violation code dahil sila ang mananagot sa pagbabayad sa Metrobank sakaling magkaroon ng aberya sa ticket.
Gayunman, hindi 100% na mareresolba ang pangongotong ng mga enforcer sa nasabing ticketing system dahil ayon sa maraming drivers mas bukas ngayon ang "lagayan" dahil wala nang kumpiskahan ng lisensiya kaya pakiusapan na lamang na huwag silang matikitan upang hindi na maabala sa pagbabayad sa bangko.
Napag-alaman na sinimulan ang implementasyon ng ticketing system noong Hulyo 15, 2004.
Ngunit, pansamantalang ipinatigil ni Fernando ang ticketing system para makabisado ng mga enforcers ang tamang proseso sa pag-fill-up kaugnay sa mga violation code at halaga ng multa hinggil sa nilabag na batas trapiko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)