^

Metro

Sonny Parsons sabit sa pagpapasabog sa bahay ng brgy. chairman

-
Matapos matalo sa pagiging alkalde ng Marikina City noong nakaraang eleksyon, nalalagay naman ngayon sa balag ng alanganin ang dating aktor na si Sonny Parsons makaraang aminin niya na sa kanya ang sasakyang ginamit ng mga suspect sa pagpapasabog sa bahay ng isang barangay chairman sa lungsod noong nakaraang Sabado ng madaling araw.

Si Parsons o Jose Nabula Jr. sa tunay na buhay ay sinampahan kahapon ng kasong accessory to attempted murder sa sala ni Linda Conus ng Marikina City Prosecutor’s Office makaraang makuha sa kanya at aminin na pag-aari niya ang kulay berdeng Nissan Safari na ginamit ng dalawang suspect na nagpasabog sa bahay ni San Roque Brgy. Chairman Benjamin Cruz na nasa 8 Ignacio St., Brgy. San Roque ng lungsod na ito subalit pinakawalan din ito sa ikalilinaw ng kaso.

Pinabulaanan naman ni Parsons na sangkot siya sa naganap na pagpapasabog at sinabing kabibili lamang niya ng nasabing sasakyan noong Biyernes pero hindi niya umano ito inilalabas ng bahay mula nang bilhin.

Magugunitang pinasabugan ang bahay ni Cruz dakong alas-12:30 ng madaling-araw at isang saksi ang nakakita sa naturang sasakyan na ginamit ng mga suspect. Wala namang nasawi o nasugatan sa naganap na pagpapasabog.

Narekober naman ng pulisya ang nasabing sasakyan sa harapan ng bahay ni Parsons dakong alas-4 ng hapon noon ding Sabado at inaresto si Parsons. (Ulat ni Edwin Balasa)

CHAIRMAN BENJAMIN CRUZ

EDWIN BALASA

IGNACIO ST.

JOSE NABULA JR.

LINDA CONUS

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY PROSECUTOR

NISSAN SAFARI

SABADO

SAN ROQUE

SAN ROQUE BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with