Dagdag sahod ng BJMP,BFP ipinatpad na

Sinimulan na noong Huwebes ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagbibigay ng dagdag na sahod sa mga ito alinsunod na rin sa ipinatutupad ng batas.

Ito naman ang nabatid kina BJMP chief Director Arturo Alit at BFP Officer-in-Charge Supt. Rogelio Asignado, sa pagsasabing ang paglalabas ng dagdag na sahod na nagsimula na noong Abril 29 ay unang inaprubahan ni Pangulong Arroyo noong Marso 10, 2004.

Nakasaad dito na nararapat lamang na pantay ang sahod na makukuha ng BJMP at BFP personnel sa sahod na natatanggap ng PNP at AFP personnel sa kasalukuyan.

Sinabi ni Alit na ang dagdag na sahod ng BJMP ay magbibigay ng high moral sa kanyang mga tauhan, partikular na ang mga jailguard na nakatalaga sa iba’t ibang piitan sa bansa.

Kaugnay nito, inutos ni Alit sa kanyang mga regional directors ang pagsusumite ng report upang malaman kung sino ang sumunod at hindi sa kautusan ng DILG. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments