Ayon kay Fe Bajarias, chief ng Red Tide Monitoring sa isinagawang pinakahuling water sampling na nakuha ng task force mula sa Balite Bay sa Mati Davao Oriental; Masinloc Bay sa Zambales at Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon ay napag-alamang nagtataglay ng red tide toxins.
Dahil dito ay pinagbawalan ng task force ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na humango o ibenta ang mga shellfish tulad ng tahong, talaba, halaan, kabibe at iba pa na manggagaling sa mga nabanggit na lugar.
Maliban sa nasabing mga karagatan, patuloy na kumukuha ang task force ng sampling water sa iba pang karagatan sa bansa para imonitor kung ang mga ito ay apektado rin ng red tide organisms. (Ulat ni Doris Franche)