Batay sa apat na pahinang resolusyon ng SC en banc sa botong 8-6 ay ipinag-utos nito na ibalik sa sala ni Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 272 Judge Reuben dela Cruz ang kaso ng dalawang nabanggit na akusado.
Ipinaliwanag pa ng SC na kailangang maibalik sa mababang hukuman ang records ng kaso upang tanggapin ang mga karagdagang ebidensiya para mabusisi muli ang kaso na dito isasabay din ang paglilitis sa dalawa pang bagong akusado na sina Pedro Mabansag at Rogelio delos Reyes.
Ipinag-utos din ng SC sa Marikina RTC na magsumite ng report nito sa SC sa lalong madaling panahon sa oras na matapos ang muling pag-aaral sa kaso ng mga ito.
Nilinaw naman ng SC na ito ay ituturing lamang na kasong pro hac vice o para lamang sa partikular na kasong ito.
Ipinaliwanag ng SC na ang mga affidavits na isinumite nina Mabansag at Delos Reyes ay maaaring gamiting ebidensiya para mabago ang desisyon ng bitay kina Lara at Licayan at tuluyang mapawalang sala ang mga ito. (Ulat ni Grace dela Cruz)