Buntis, vendor natagpuang patay sa QC

Dalawa katao ang natagpuang patay kabilang ang isang buntis sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon nang matagpuan ang bangkay ng isang buntis na nakilala lamang sa alyas na Malou, tinatayang nasa gulang na 27, ng Lanao St., Muslim Compound Barangay Culiat, Quezon City.

Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa likuran na tumagos sa kanyang dibdib.

May hinala ang pulisya na ang biktima ay sangkot sa ilegal na mga operasyon.

Nauna rito, natagpuan kamakalawa ng gabi ang bangkay ng vendor na si Pascual Moscaril, 25.

Natagpuan itong palutang-lutang sa ilog at may malalaking sugat sa ulo at isang saksak sa tagiliran. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments