P250-M ari-arian ng drug lords hiling kumpiskahin
January 27, 2004 | 12:00am
Inirekomenda kahapon ni PNP Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF) chief Deputy Director General Edgar Aglipay sa Court of Appeals (CA) na pahintulutan silang kumpiskahin ang P250 milyong ari-arian ng anim na nahuling big-time drug lord sa bansa.
Kabilang sa nasabing mga drug lord ay sina Benito Sy; Jackson Dy; William Gan; William Ang; Chang Xie Min at ang pinakahuli ay si Mico Tan na pawang itinuturong nasa likod ng bulto-bulto ng droga na nasamsam sa serye ng operasyon ng mga awtoridad na isinagawa sa Metro Manila at karatig lugar noong huling bahagi ng taong 2003 at hanggang ngayong Enero ng taong kasalukuyan.
Si Tan na isa ring shabu chemist ay nadakip ng mga operatiba may ilang linggo na ang nakakalipas sa Las Piñas City.
Kabilang sa pag-aari ng mga nakapiit na drug lords na ibig kumpiskahin ng PNP-AID-SOTF ay ang magagarbong sasakyan, bahay at iba pa na kahina-hinalang nabili ng nabanggit na mga drug lords.
Ayon pa sa opisyal na sakaling katigan ng CA ang kanilang rekomendasyon ay pamamahalaan naman ng Anti-Money Laundering Council ang pagbebenta o public auction sa mga ari-arian ng mga suspect na drug lord.
Makabubuti pa umano na ibenta ang mga ari-arian ng mga drug lords para makadagdag sa pondo ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest