Ang mga pinagharap ng kasong robbery sa Quezon City Prosecutors Office ng mga negosyanteng sina Rommel Reyes, Sonny Jaworski Francisco, Rafael Tatualla at Jezyriel Beturin ay sina NBI Sr. Agents Antonio Suarez; Nelson Pacada; Renato Marcuap, Valiat Ragamit, Emmanuel Lapuz, Albert Froilan Gaerlan,Danilo Salcedo, Andrew Sinlao, Ronald Jaucan, Nelson Moreno, Nestor Gutierrez, Isaac Carpeso, Flor Ressurection, Glenn Bicarte at Dante Bonoan na pawang nakatalaga sa Special Action Unit (SAU).
Samantalang ang 18 sibilyan naman ay pinangungunahan nina Edwin Faustino at Delfin Reyes na kapwa negosyante din at sinasabing utak sa pangungumpiska sa ibat ibang construction equipment na pag-aari ng mga nabanggit na negosyante.
Batay sa joint affidavit ng mga negsoyante, iligal umano ang ginawang pagsalakay ng mga ahente ng NBI sa kanilang construction site sa Road 16 at Road 1 sa Barangay Pag-asa noong nakalipas na buwan.
Wala umano dalang anumang mga dokumento ang mga ahente nang kumpiskahin ng mga ito ang kanilang equipment at construction supply na kinabibilangan ng exen concrete, cutter, backhoe, breaker, road riler, hydraulic excavator, pump at iba pa.
Inakusahan din ng mga negosyante ang mga NBI agents na nagpagamit kina Faustino at Reyes.
Dahil dito, may hinala din ang apat na negosyante na matagal nang gawain ng mga NBI agents ang iligal na pagsalakay upang makakuha umano ng malaking halaga.
Ipinasasailalim naman ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang 15 tauhan nito sa imbestigasyon upang lumitaw ang katotohanan. (Ulat ni Ellen Fernando)