Itoy matapos na muling kuwestiyunin ng mga abogado ng Magdalo Group sa pangunguna ni Atty. Roel Pulido at dating Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou ang mga opisyal ng militar na bumubuo sa court martial proceedings.
Hindi pa man nag-init sa kanilang mga upuan ang mga bumubuo sa panel ay nawalan na kaagad ng quorum matapos tanggihan ng defense panel ang pag-upo ng ilang kasapi ng General Court Martial (GCM) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ferdinand Bocobo.
Kabilang sa mga natanggal na kasapi ng GCM ay sina Col. Teddy Udal, Col. Henry Galarfe, Col. Hernando Siscar, Lt. Col. Ruby Bongabong at Lt. Col. Antonio Doronilla at ang sumunod naman ang mga kahalili ng mga itong military judges na sina Commodore Edgar Catimbang, Major Mariano Roxas, Capt. Moises Naive, Major Jose Libalon at Col. Thelma Borromeo.
Pawang nakasuot ng fatigue uniform nang dumalo sa GCM ang 267 opisyal at enlisted personnel ng Magdalo Group, gayundin ang 48 pang junior officers na bagaman wala sa Oakwood ay nakita ang mga pangalan sa masterlist ng mga sangkot sa bigong pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon.
Sa loob halos ng dalawang oras na GCM ay nauwi lamang sa pagkuwestiyon ng defense panel sa hurisdiksyon ng mga opisyal ng militar para ipagpatuloy at magsagawa a ng paglilitis sa kaso ng mga mutineers.
Bunga nito, napagdesisyunan na muling ipagpatuloy ang arraignment ng mga mutineers sa darating na Pebrero 16. (Ulat ni Joy Cantos)