Napag-alaman na hinihingan nga ng paliwanag si Santiago, makaraang mapanood sa telebisyon si Lara nang dalawin ito ng kanyang ina at dalawang anak sa loob ng kulungan.
Napag-alaman na ito umano ay ipinagbabawal ng Department of Justice (DOJ).
Nagyakap at nag-iiyak ang ina ni Lara ng muling makita ang bibitaying anak matapos ang mahabang panahon kasabay ng panawagan nito kay Pangulong Arroyo na huwag ng ituloy ang bitay.
Kaugnay pa rin nito, isinagawa na kahapon ang dry run sa lethal injection chamber bilang bahagi ng preparasyon sa nakatakdang pagbitay sa dalawang convict sa darating na Enero 30.
Bukod sa mga gagamitin at isasagawa sa chamber, pinaghahandaan na rin ang seguridad sa paligid ng piitan dahil sa inaasahang mga pagrarali ng mga sektor na tutol sa bitay.
Bukod kay Lara isasalang din sa chamber si Roderick Licayan.
Wala pa naman umanong mga huling kahilingan ang dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)