Nakilala ang mga nadakip na suspects na sina Mike Tumao, 25; Lucrecio Dumatag, 23; Bartolo Guiman, 28; Benjie Manuel, 26; Mohamiden Lagyal, 20; Baldo Inggo; Sonny Boy Anong, 22; Mohammad Lagyal at Badrodin Abdul, 22, pawang naninirahan sa Barangay Western Bicutan at sa Maharlika Village sa bayan ng Taguig.
Ayon sa ulat, dakong ala- 1:30 ng hapon nang isagawa ng pulisya ang pagsalakay sa Maharlika Village na pinagkukutaan ng mga suspect at doon natimbog ang mga ito.
Napag-alaman na ang naturang grupo ang sangkot sa pangangarnap ng mga motorsiklo sa mga lugar sa Metro Manila.
Isang asset ng pulisya ang nagtimbre tungkol sa operasyon ng grupo. Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspects. (Ulat ni Lordeth Bonilla)